Welcome sa Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pahayag ng Malakanyang na handang makipag-dayologo ang administrasyon matapos ang mga banat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa simbahang katolika.
Ayon kay father Jerome Secillano, Executive secrEtary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, isang magandang hakbang ang dayologo upang talakayin ang mga maayos na solusyon laban sa iligal na droga.
Gayunman, kailangan pa anya mag-usap ng mga obispo sa buong bansa bago sumalang sa dayologo.
Nakatakdang magpulong ang mga obispo sa Enero 25 hanggang 30 para sa plenary assembly ng CBCP kung saan posibleng talakayin ang naturang usapin.
Inihayag ni Secillano na mahalagang mag-usap ang gobyerno at simbahang katolika upang maplantsa ang anumang hindi pagkaka-unawaan ng dalawang panig at matigil na ang sakitan na nagreresulta na sa pagkakawatak-watak.
By: Drew Nacino