Hinikayat ni Leyte Representative Yedda Marie Romualdez si Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahang urgent ang panukalang batas na naglalayong magtayo ng isang departamento sa pamahalaan na tututok sa pagtugon sa kalamidad at disaster.
Ayon kay Romualdez, Vice Chairperson ng House Committee on Government Enterprises and Privatization, ito ay mabawasan o kung hindi man tuluyang mabura ang red tape pagdating sa pagbibigay ng tulong sa mga biktima trahedya at kalamidad.
Nagiging mabagal aniya ang ayuda sa mga biktima ng bagyo, lindol at iba pa dahil sa napakahabang proseso mula sa national government pababa sa lokal na pamahalaan.
Layon ng House Bill 344 na magtayo ng Department of Disaster Preparedness and Emergency Management na pangungunahan ng kalihim ng Department of National Defense o DND.
Tinukoy pa ni Romualdez na kulang ang ginagawang pagkilos ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council sa pagbibigay ng ayuda at pagtugon tuwing may kalamidad.
By Rianne Briones
Panukalang department of disaster pinasesertipikahang urgent sa Pangulo was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882