Iginiit ng mga Kongresista ang panawagang kaagad maipasa ang panukalang bubuo sa Department of Disaster Resilience (DDR) sa gitna na rin nang pag-aalburuto ng bulkang Taal.
Hinimok ni Ako Bicol Party List Representative Alfredo Garbin, Jr. ang mga kapwa Kongresista na pabilisin ang deliberasyon sa DDR bill lalo na’t sunod- sunod na ang mga kalamidad na nararanasan sa Pilipinas.
Dapat din aniyang hilingin sa Pangulong Rodrigo Duterte na i-certify bilang urgent ang naturang panukala.
Ayon naman kay House Deputy Speaker Michael Romero kailangan ang special session para agarang maipasa ang DDR bill gayundin ang supplemental budget para sa Disaster Risk Reduction and Relief Efforts sa gitna nang pag-aalburuto ng bulkang Taal.