Isusulong pa din ng Kamara ang panukalang Dissolution of Marriage.
Ito’y sa kabila ng maraming pagtutol mula sa mamamayan at kahit ikagalit pa ng simbahang Katoliko,
Ayon sa mga kaalyado ni Speaker Pantaleon Alvarez na may akda ng House Bill 6027 na sina Deputy Speakers Pia Cayetano at Ereneo Abu, nakapagdaos na sila ng public consultation sa OFW’s o Overseas Filipino Workers sa Hong Kong.
Giit ni Abu, gagawin ng kasalukuyang liderato ni Alvarez kung ano ang tama at praktikal na may benepisyo sa tao kahit na dumaan pa sila sa matinding kritisismo mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.