Pormal nang inihain ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang bill na magiging daan sa legalisasyon ng pagpapawalang bisa ng kasal o dissolution of marriage na mas kilala rin sa tawag na diborsyo.
Kasalukuyang nakabinbin ang House Bill 6027 sa Committee on the Revision of Laws.
Nakakuha naman ng kakampi si Alvarez sa pamamagitan ng 14 na co-author na karamiha’y taga-oposisyon tulad nina Ifugao Representative Teddy Baguilat at Albay Representative Edcel Lagman.
Alinsunod sa bill, ang bawat partido ay maaaring maghain ng verified petition para sa dissolution of marriage dahil sa irreconcilable differences o hindi na masaya sa buhay may asawa.
By Drew Nacino