Hindi maaaring obligahin ang sinuman na magpa-drug test dahil katumbas ito ng paglabag sa kanilang karapatang-pantao.
Tugon ito ni Senator Robin Padilla sa panukala ni Congressman Ace Barbers na mandatory drug test para sa lahat ng celebrities dahil ini idolo sila ng publiko.
Ayon kay Padilla nakikiisa siya sa layuning maprotektahan ang ating mga kababayan laban sa posibleng kapahamakan dahil sa iligal na droga.
Kasama anya ang mga kapwa nya artista sa hangarin nya na maprotektahan laban sa illegal drugs
Pero mas maganda anya kung boluntaryo at hindi mandatory ang mungkahing pagpapa drug test ng mga celebrities para na rin ito sa kanilang kapakanan at kaligtasan.
Mas mainam din anya na kung sila ay magpapa-drug test ay employer nila ang gagastos para rito.
Pero iginiit ni Padilla na mas nararapat na sumailalim sa drug test ang ating mga opisyal at kawani ng pamahalaan dahil sila ay may tungkuling magbigay ng mabuting halimbawa para sa kapwa nating Pilipino.