Bukas ang Department of Education (DepEd) na pag-aralan ang mungkahi na simulan agad ang Christmas break ng mga estudyante pagtuntong sa ikalawang linggo pa lamang ng Disyembre.
Ayon kay DepEd Assistant Secretary Tonicito Umali, batay sa panukala ni Senador Grace poe, makakatulong ang maagang Christmas break ng mga estudyante para maibsan ang matinding pagsisikip ng trapiko dahil sa Christmas rush.
Kailangan lamang anya nila itong pag-aralan dahil may mga tatamaang bakasyon tulad ng mahal na araw kung idaragdag sa dulo ng pasukan ang mga araw na nawala dahil sa maagang Christmas break.
Bahagi ng pahayag ni DepEd Assistant Secretary Tonicito Umali
Education campaign vs drugs
Samantala, minomonitor ng DepEd ang mga guro at iba pang kawani ng kagawaran upang matukoy kung mayroon sa mga ito ang gumagamit ng bawal na gamot.
Ayon kay Umali, bahagi ito ng paghahanap nila ng sistema para makapaglunsad ng komprehensibong education campaign laban sa illegal drugs.
Aminado si Umali na mayroon na rin silang mga na-monitor na sitwasyon sa iba’t ibang rehiyon sa bansa na mga estudyanteng positibong gumagamit ng bawal na gamot subalit wala naman ito sa nakakaalarmang lebel.
Bahagi ng pahayag ni DepEd Assistant Secretary Tonicito Umali
By Len Aguirre | Ratsada Balita