Aprubado na sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang panukalang early voting para sa mga senior citizens at Persons with Disability (PWDs).
Ito ang House Bill (HB) 3474 na inihain ni Senior Citizen Partylist Rep. Rodolfo Ordanes Jr.
Sa ilalim ng panukala, makaboboto ang mga senior at PWD pitong araw bago ang itinakdang petsa ng eleksyon sa mga lugar na itinalaga ng Commission on Elections (COMELEC).
Sa absentee voting naman ay pinapayagan ding bumoto nang maaga ang mga Overseas Filipino Worker (OFW), media worker, guro, sundalo at pulis na karaniwang nagsisilbi tuwing halalan.
Una nang inihayag ng COMELEC na suportado nila ang bill dahil mas mahihikayat nila ang marami pang senior citizen at OFWs na bumoto. - sa panulat ni Hannah Oledan