Welcome sa Palasyo ang panukalang bigyan ng emergency power ang Pangulong Rodrigo Duterte para maresolba ang korapsyon sa PhilHealth.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque nagpapasalamat ang Palasyo sa suporta ng lehislatura sa pagpupursige ng Pangulo na maisaayos ang bansa.
Isa rin naman aniyang abogado ang Pangulo kaya’t batid nito ang saklaw ng kaniyang kapangyarihan.
Subalit sinabi ni Roque na bilang may akda ng Universal Health Law nais niyang buwagin sana ang PhilHealth at palitan ng national health service para matanggal na ang lahat ng mga tauhan ng ahensya.