Binabalangkas na ni presumptive Senate President Koko Pimentel ang panukalang batas hinggil sa pagbibigay ng emergency powers kay President-elect Rodrigo Duterte para sa problema sa traffic.
Sinabi ni Pimentel na positibo siyang maisasabatas ang panukala sa loob ng dalawang buwan, lalo na at nagkakasundo ang kampo ni Duterte at ang mga mambabatas na maituturing na krisis ang problemang ito.
Ayon kay Pimentel, kailangan nalang plantsahin ang lawak ng kapangyarihan, kung gaano ito katagal ipatutupad at kung ano ang mga safeguard na dapat ilagay para sa pagpapatupad nito.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)