Umaasa si Senadora Imee Marcos na maipapasa ang panukalang expanded early voting para sa “COVID-19 proof” na 2022 elections.
Ayon kay Marcos, sa pamamagitan ng maagang pagboto o early voting ay matitiyak ang kaligtasan ng mga senior citizen, persons with disabilities (PWD) at mga buntis laban sa COVID-19.
Giit ng senadora, kung hindi umabot ang batas para sa early voting ay maaaring palawakin ng Comelec ang resolusyon o utos nito ukol sa pagtatakda ng accessible polling places at emergency accessible polling places.
Posible aniyang maihabol ang pag-apruba sa naturang panukala sa Agosto.
Sa ngayon, nasa plenary debates pa ng senado ang panukalang batas ukol sa expanded early voting para sa mga nakatatanda. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico