Kailangan pang dumaan sa masusing pag-aaral ang panukalang fare surge ng mga pampasaherong jeep.
Sinabi ito ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Board Member Ariel Inton, kasunod ng panukala ng ilang transport group na gayahin ang ginawang pagbabago ng pasahe sa application based taxis, noong nagkaroon ng tinaguriang “Carmagedon,” noong Setyembre 8.
Iginiit ni Inton na maging ang pasahe at paggalaw ng pasahe ng app – based taxis ay dapat nakokontrol pa din ng LTFRB.
“May pag-aaral din na during this time, ganito ang pamasahe kasi magkakaroon ng di pagkakaintindihan on the ground kunwari ang oras na sinasabi nila 12 to 2 eto ang pamasahe, paano kung sumakay ako ng 1:30 o 1: 45 at inabot ako sa traffic ng after 2 o’clock? Ano ang pamasahe ko? kailangan meron tayong setting na hindi na kapag peak hours eh hahayaan na lang natin tumaas ang pamasahe na hindi kakayanin ng pasahero, kailangan may filling tayo dun.” Pahayag ni Inton.
TNC’s
Samantala, uubrang magtaas ng singil sa pasahe ang Transport Network Company tulad ng Uber kahit may mga petisyon ang transport groups.
Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, nakasaad sa department order ng DOTC ang pagbibigay ng kapangyarihan sa TNC’s tulad ng uber na magtakda ng sariling fare matrix nila.
Gayunman, sinabi ni Ginez na maaaari namang tumanggi ng mga pasahero sa ididiktang pamasahe ng TNC’s.
Una nang dininig ng LTFRB ang petisyon ng 1-Utak Coalition na humihiling sa ahensya na ipagpaliban ang pagtataas ng pasahe ng Uber.
By Katrina Valle | Karambola | Jelbert Perdez