Aprubado na sa senado sa ikatlo’t huling pagbasa ang panukalang batas na titiyak sa proteksyon at karapatan ng mga foundling o mga batang inabandona.
Sa ilalim ng Senate Bill 2233 o Foundling Recognition and Protection Act, kikilalanin na natural-born Filipino ang mga foundling sa bansa at sa mga embahada, konsulada at mga teritoryo ng Pilipinas.
Ayon kay Senador Grace Poe, sentimental para sa kanya ang pag-apruba sa panukala dahil tagumpay ito hindi lang para sa mga katulad niyang napulot sa simbahan, kundi para rin sa mga magulang na nag-ampon.
Samantala, hanggang nitong December 2021, mayroon ng 6,580 birth certificates ng mga napulot na bata sa talaan ng Philippine Statistics Authority (PSA).—sa panulat ni Mara Valle