Aprubado na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang panukalang halos P9-bilyong fuel subsidy para sa mga operator ng public utility vehicles (PUVs).
Ipinabatid ito ni Transportation Assistant Secretary Mark Richmund De Leon kaya’t hihingi na sila ng advise sa Department of Budget and Management (DBM) sa magiging mechanics sa para makuha ang nasabing ayuda.
Katumbas ito aniya ng 36 liters o nasa P1,200 para sa mga bus at 12 liters o P360 naman sa jeepney.