Welcome sa Palasyo ang panukala ni Senador Vicente “Tito” Sotto na gawing Drug Enforcement Academy ang mega drug rehabilitation center sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kahit ang gobyerno ay hindi nakikitang habang-panahon na mananatiling rehab center para sa mga drug addict ang nasabing pasilidad.
Ang long-term vision aniya ng gobyerno ay tapusin ang problema sa droga at kapag nangyari ito ay maaari nang ibigay sa militar ang mega-drug rehab facility.
Nilinaw naman ng kalihim na posible ding ibigay sa ibang ahensya ng gobyerno ang pasilidad upang mapakinabangan at mapangasiwaan ng maayos.
Magugunitang pinagbitiw sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si Dangerous Drugs Board o DDB Chair Dionesio Santiago, matapos nitong sabihing pagsasayang ng pera ang pagtatayo ng mega rehab center na hindi naman lubusang magagamit.