Aprubado na ng Senado at mababang kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magde – deklara sa Disyembre 8 bilang non – working holiday.
Ayon kay Eastern Samar Representative Ben Evardone, nagkasundo na ang dalawang kapulungan ng Kongreso at naipasa ang nasabing panukalang batas.
Ito aniya ay bilang pagbibigay pugay sa kapistahan ng Immaculate Conception na ipinagdiriwang ng mga Katoliko sa bansa at ikinunsidera ng simbahan bilang ‘Day of Obligation’.
Dagdag ni Evardone, nakasaad sa nasabing panukala ang paged – deklara ng holiday sa buong bansa at hindi lamang eklusibo sa mga lugar na kung nasaan ang imahe ng Birheng Maria.