Lusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukalang gawing legal ang paggamit ng marijuana bilang gamot.
Batay sa House Bill 6517 o ang Philippine Compassionate Medical Cannabis Act, maaari nang gamitin sa medikal na pamamaraan ang marijuana at pwede na ring pag-aralan ito upang mas lalo pang matukoy ang ‘medicinal properties nito.’
Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na pipirmahan niya ang anumang panukala na nagsasalegal sa medical marijuana.
Inamin din ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na gumamit siya nuon ng marijuana based pain patch para maibsan ang kaniyang sakit sa cervical spine.