Lusot na sa House Ways and Means Committee ang panukalang gawing libre ang buwis sa pagpapatayo ng ospital para sa mga OFW.
Sa ilalim ng inaprubahang House Bill 168, magiging exempted sa donor’s tax ang pagtatayo ng OFW hospital batay sa section 7 ng panukala o tax exempted ang lahat ng grants, donasyon at kontribusyon na makakalap mula sa sino mang indibidwal o kumpanya para maitayo ang nasabing ospital.
Hindi rin pagbabayarin ng value added tax at customs duties para sa importasyon ng medical equipment at machineries, spare parts at iba pang medical equipment na eksklusibong gagamitin sa operasyon ng pagamutan.