Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukala upang maging ligal na pampublikong transportasyon ang mga motorsiklo.
Sa botong 181 na “yes” at walang pagtutol, lusot ang House Bill 8959.
Layon ng naturang panukala na amyendahan ang Republic Act 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code kung saan ipinagbabawal gamiting pampasahero ang mga pribadong motorsiklo at scooters.
Ibig sabihin, sa oras na maging batas ay maaari nang makapag operate ang ride application tulad ng Angkas o habal-habal.
Magugunitang, nagpalabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema noong Disyembre para patigilin ang operasyon ng Angkas.