Aprubado na sa House panel ang panukalang gawing mandatory ang Citizens Training Service Program (CTSP) at gawing optional ang Reserved Officers Training Corps (ROTC).
Ito ay makaraang pagsamahin ng House Committees on Basic Education and Culture at Higher and Technical Education ang 27 panukala kung saan ang House Bill 6486 ang magiging mother bill.
Matapos ang naging deliberasyon ay nagpasya ang kumite na tanggalin ang National Service Training Program (NSTP) na nasa ilalim ng (RA) 9163.
Layunin nito na bigyang kakayanan ang mga Pilipino na gampanan ang kanilang tungkulin sa saligang batas na makapagbigay ng military o civil service sa bansa tuwing mayroong national at local emergency o kalamidad.
Mahigpit namang babantayan ang implementasyon ng nasabing panukala upang matiyak na hindi ito ma-aabuso at lalabagin ang karapatang pantao. – sa panulat ni Hannah Oledan