Wala pang komento ang Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang gawing mandatory ang pagbabakuna kontra COVID-19.
Ayon ito kay Presidential Spokesman Harry Roque bagamat tila marami na ring mga Pilipino ang nais magpabakuna sa kabila ng pagiging limitado ng supply ng COVID-19 vaccine sa bansa para sa ilang piling sektor.
Una nang isinulong ni Congressman Elpidio Barzaga ang House Bill 9252 para obligahin ang lahat ng mga Pilipinong magpabakuna kontra COVID-19 bilang solusyon sa vaccine hesitancy.
Subalit exempted naman batay sa panukala ang mga mayroong medical condition na hindi pinapayagan ng kanilang mga doktor na magpa bakuna.
Nakasaad sa panukala na ang mga indibidwal na tatangging magpabakuna ay hindi papayagang makapasok o makapunta sa mga pampublikong lugar na pagmamay-ari ng gobyerno o kahit pa ng pribadong sektor.