Hindi nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang gawing National Polytechnic University ang Polytechnic University of the Philippines (PUP).
Ito ayon sa pangulo ay dahil ang PUP ay isa lamang sa mga state universities and colleges sa bansa.
Sinabi pa ng pangulo na kailangang suriin mabuti ang paglipat ng PUP sa pagiging National University base sa performance ranking nito, kabilang ang Satellite campuses at Extension programs ng unibersidad.
Ang consolidated Senate Bill 2124 at House bill 9023 o ang the Charter of the Polytechnic University of the Philippines ay naglalayong gawing national university ang PUP.