Tinutulan ng World Health Organization (WHO) ang panukalang gawing rekisito ang pagprisinta ng katibayan na nakapagpa-bakuna na kontra COVID-19 ang isang tao bago ito payagang maka-byahe sa ibang bansa.
Ayon sa WHO, limitado pa rin ang mga ebidensyang nagpapakita na ang bakuna kontra COVID-19 ay nakakabawas tyansa para ang isang tao ay makapanghawa ng naturang virus.
Bukod dito, ang pagkakaroon ng ganitong requirement sa pagbyahe ay magbibigay lamang ng hindi pagkakapantay-pantay sa paggalaw lalo na sa mga bansang hindi pa naabot ng sapat na suplay ng bakuna kontra COVID-19.