Inaasahang mailalatag na sa plenaryo ng Senado sa susunod na linggo ang panukalang pagtatatag ng hiwalay na pasilidad para sa mga sentensyado dahil sa heinous crimes.
Mismong si Senate President Vicente Sotto lll ang nakatakdang maging sponsor ng panukalang batas.
Sa ilalim ng rekomendasyon ng Senate Committees on Justice and Human Rights, Public Order and Dangerous Drugs at Finance, ilalagay sa isang military establishment o kaya ay sa isang isla ang hiwalay na pasilidad para sa mga high level heinous crime offenders.
Magiging state of the art facility ito na may surveillance camera at teknolohiya na may kapabilidad na imonitor ang lahat ng preso at mas mahigpit na security features sa mga gates.
Dapat rin umanong matiyak na hindi magkakaroon ng contact o komunikasyon ang mga preso sa sinumang nasa labas ng penal institution.