Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukala sa pagkakaroon ng home visitation program para sa mga ina at mga sanggol.
Layon ng panukala na protektahan ang buhay ng mga nanay at ang mga ipinagbubuntis na sanggol.
Sa ilalim ng panukala, inaatasan ang gobyerno na magbigay ng prenatal at postnatal maternity at infant care services sa ilalim ng home visitation program.
Ibig sabihin ay kailangan magtalaga ng mga health centers ng health profession o isang qualified non professional na maaaring maghatid ng maternal at infant care services sa mismong tahanan ng benipisyaryo.
Kabilang sa mga serbisyong matatanggap ay counseling sa lahat ng aspeto ng prenatal care, childbirth at motherhood, nutrition at general family counseling gayundin ang physical examination sa mga nanay at sanggol.