Isinusulong sa Senado ang panukalang wag gawing evacuation center ang mga paaralan.
Ito’y sa gitna ng sunod-sunod na bagyong dumadaan ngayon sa Pilipinas.
Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, dapat ay mga multipurpose gym ang pansamantalang sinisilungan ng mga residenteng apektado ng mga kalamidad at sakuna.
Batay sa senate bill 47, inaatasan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na magtayo ng multipurpose gym kada munisipalidad at lungsod sa bansa na magsisilbing civic center at evacuation center para sa mga residenteng naapektuhan ng kalamidad.
Ani Recto, naapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante sa oras aniya na hindi maka-alis agad ang mga pamilyang inilikas dito dahil hindi pa naisasaayos ang kanilang mga nasirang bahay.
Sinabi ng senador na dapat ay maging permanente at matibay ang itatayong multipurporse gym sa mahigit 1,489 na bayan at 145 lungsod sa bansa.