Aprubado na sa ikalawang pag-basa sa Kamara ang House Bill 10987 o ang Anti-Offshore Gaming Operations Act.
Tugon ang naturang panukala sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tuluyan nang ipagbawal ang operasyon ng POGO sa bansa.
Sa ilalim ng panukala, mahigpit na ipagbabawal ang anumang uri ng offshore gaming; pagtanggap ng anumang uri ng taya para sa offshore gaming, pagpapatakbo ng service provider para sa offshore gaming ; at pagpapatayo at pamamahala ng gaming hubs.
Oras naman na maisabatas ang panukala, lahat ng lisensya at prangkisa na ibinigay ng PAGCOR, cagayan Economic Zone Authority, Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority, at Authority of the Freeport of bataan para sa POGO ay babawiin o kakanselahin.
Kaugnay nito, kakanselahin na rin ang mga visa na ipinagkaloob ng Bureau of Immigration at Alien Employment Permit na inilabas ng DOLE para sa mga foreign workers na nagtatarabaho sa POGO. – Sa panulat ni Kat Gonzales