Iginiit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na dapat munang pag-aralang mabuti ang panukalang pag-decriminalize sa paggamit ng iligal na droga.
Sinabi ito ni DILG secretary Benhur Abalos matapos ihain ni Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, ang panukala nitong pag-decriminalize sa paggamit ng iligal na droga upang mabawasan ang nakakulong sa bansa.
Ayon kay Abalos, hindi tama na hindi ituring na krimen ang paggamit ng iligal na droga dahil kritikal at sensitibo itong isyu na dapat pag-aralan ang epekto.
Hindi rin aniya sa Pilipinas may problema sa iligal na droga kundi sa buong mundo.