Dapat na talakayin ng husto ng senado ang ipinasa sa Kamara De Representantes na panukalang palawigin ng isang taon ang validity ng 2021 National Budget.
Ito ang inihayag ni Senator Panfilo Lacson, makaraang igiit na lagi niyang kinu kwestyun ang pratikalidad ng pagshift ng budget mula obligation-based budgeting patungong cash based budgeting kung lagi din namang ini extend ang validity ng pambansang budget.
Ayon kay Lacson, simula ng i-adopt ng Department of Budget and Management (DBM) ang cash-based system sa ilalim ng pamumuno ni dating budget Secretary Benjamin Diokno, wala siyang natatandaan na may general approproations act ang hindi na extend ang validity.
Halos taun-taon anya ay pinapalawig ang validity mg pambansang budget sa pammagitan ng pagpapasa ng resolusyon o kaya ay ng batas.
Kaya ayon kay Lacson, walang saysay at hindi praktikal ang cash based budgeting.
Ito ay dahil wala namang nakikitang urgency o pagkukumahog sa mga ahensya ng gobyerno para maipatupad o magamit ang kanilang budget sa loob ng isang taong validity nito.
Suportado naman nina Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senate Committee on Finance Chairman Senator Sonny Angara ang extension ng validity ng 2021 Budget.
Ayon kay Recto, makatutulong ito para mapalakas ang kakayanan ng pamahalaan para tuluyang malabanan ang COVID-19 at mapabilis ang pagbangon ng ekonomiya.
Iginiit naman ni Senator Drilon na nakakadismaya ang napakababang disbursement rate sa ilalim ng 2021 Budget dahil sa pandemya kaya mahalaga mapalawig ang paggamit nito.
Umaasa naman si Angara na susuportahan ng mga kapwa nya Senador ang isang taong papalawig sa validity ng 2021 Budget para magamit sa mga pinaglalaanang mahahalagang proyekto at programa ang pondo sa halip na maibalik ito sa National Treasury. —sa ulat ni Cely Ortega Bueno (Patrol 19)