Inendorso na sa plenaryo ng kamara ng Committee on Government Enterprises and Privatization ang panukalang ibaba ang optional retirement age ng mga empleyado ng pamahalaan sa 56 mula sa kasalukuyang 60.
Aamyendahan ng House Bill 206 ang Section 13-A ng Government Service Insurance System (GSIS) Act of 1997 o Republic Act 8291.
Alinsunod sa RA 8291, ang mga GSIS member ay makatatanggap ng retirement benefit kung nakapagserbisyo nang hindi bababa sa 15 taon;
Walang natatanggap na buwanang pensyon mula sa permanent total disability at hindi bababa sa 60 ang edad sa panahon ng pagreretiro.