Bukas si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa panukalang maisailalim sa kontrol ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang pagbubukas sa gate ng mga dams tuwing may banta ng bagyo.
Ayon kay Lorenzana, sang-ayon sa dito dahil maaari nilang ipag-utos ang unti-unting pagpapakalawa ng tubig sa dam habang paparating pa lang ang bagyo.
Gayunman, sinabi ni Lorenzana na maaaring magkaroon ng epekto sa magat dam na ginagamit ding hydroelectric power plant kapag bumaba ang lebel ng tubig nito.
Makakaapekto naman aniya ito sa suplay ng kuryente gayundin sa kita ng planta dahil hindi na kakayaning patakbuhin ang generator sa Magat Dam.
Kaugnay nito, nilinaw ni Lorenzana na maaaring kontrolin ng NDRRMC ang pagpapalabas ng tubig sa dam tuwing may parating na bagyo pero ibabalik itong muli sa ilalim ng National Irrigation Administration sa mga normal na araw.