Hinimok ng nakadetine at kilalang kritiko ng administrasyon na si Senadora Leila De Lima ang mga kapwa nito senador na ipasa ang inihaing panukala layong ideklara ang Hulyo 11 ng bawat taon bilang ‘West Philippine Sea Victory Day.’
Sa isang pahayag, sinabi ng senadora na dapat lang na-ipagdiwang ang pagkakapanalo ng bansa laban sa China sa Permanent Court of Arbitration sa Netherlands noong 2016.
Giit ni De Lima, na sa ganitong hakbang ay maipapaalala sa bawat isa ang karapatan ng bansa sa anyong tubig nito o anumang parte ng ating teritoryo laban sa mga pambubully ng ibang mga bansa.
Mababatid na noong kalihim pa lang ang senadora ay naging bahagi ito ng delegasyon para ipaglaban ang karapatan ng Pilipinas.