Dumistansya ang Malakaniyang sa panukalang ideklara ang September 11 kada taon bilang special non-working holiday sa Ilocos Norte bilang paggunita sa kapanganakan ng dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Subalit sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na iginagalang ng Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon ng mga kongresista.
Ayon kay Roque bago naman maging batas ang nasabing panukala dapat muna itong makapasa sa Kamara at Senado.
Aprubado na sa third and final reading ang panukala ni Ilocos Norte Representative Angelo Marcos Barba na pamangkin ng dating Pangulong Marcos na dapat mabigyang pugay ang kaniyang tiyuhin dahil matalino ang mga plano at maganda ang mga nagawa sa bansa.