Lusot na sa plenaryo sa ikalawang pagbasa ang House Resolution 11 na layuning igawad sa ibang qualified beneficiaries ang housing projects ng pamahalaan.
Ito’y bunsod ng pag-okupa ng grupong Kadamay sa mga pabahay ng gobyerno sa Pandi, Bulacan na nakalaan sana sa mga sundalo’t pulis.
Wala ng nag-interpellate kay Housing and Urban Development Chairman Albee Benitez na sponsor ng panukala.
Alinsunod sa resolusyon, binibigyang mandato ang N.H.A. upang tukuyin ang ibang alternative beneficiaries na maaaring makinabang sa mga housing unit tulad ng mga public school teacher, local government employee, barangay employee at informal settler.
Nakasaad din sa resolusyon ang redistribution ng mga housing project ng AFP, PNP, BJMP, BuCor at BFP na hindi na tinirhan, kinansela o nai-surrender na ownership ng mga bahay para sa ibang kuwalipikadong benepisyaryo.
Ulat ni Jill Resontoc
SMW: RPE