Mariing tinutulan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang panukalang ihiwalay ang Philippine Marines sa Philippine Navy.
Kasunod naman ito ng isinumiteng House Bill Number 7304 nina House Speaker Pantaleon Alvarez at Congressman Rodolfo Fariñas na nagsusulong na gawing hiwalay na panibagong military service ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Philippine Marine Corps.
Ayon kay Lorenzana, kapag ihiniwalay ang Philippine Marines, magkakaroon ito ng katulad na tungkulin sa Philippine Amy at mangangahulugang dalawa na ang ground force ng Pilipinas.
Iginiit pa ni Lorenzana, itinatag ang Marines noong 1950 bilang karagdagang maliit na puwersa ng Navy na inaatasang tumugis sa mga pirata at smugglers.
Dagdag pa ni Lorenzana, kaya ring matutunan ng Philippine Army ang tinukoy na special skills ng Philippine Marines na ship to shore operations.
—-