Isinusulong sa kamara na gawing krimen ang pagpigil sa mga bangkay na mailabas sa mga morgue at punerarya dahil sa kabiguang makapagbayad ng mga kaanak ng mga namatay.
Sa House Bill 1292 ni Makati City Rep. Luis Campos Junior, maaaring kunin ang mga bangkay kahit hindi pa bayad sa mga funeral parlor basta’t kumpleto ang release papers at may promisory note na may co-maker at pangakong unti-unting magbabayad ang mga naulilang pamilya.
Anim na buwang pagkakakulong at multang 50,000 pesos ang sinumang empleyado o opisyal ng mga punenarya na tatangging ilabas ang mga bangkay.
Ipinunto ni Campos na ang hindi pagpapahintulot na ilabas ang bangkay ay isang uri ng anti-poor business practice na kinokondena ng kongreso. —sa panulat ni Hannah Oledan