Ibinasura ni Senate President Vicente Sotto III ang panukalang ilipat sa calamity fund ang P19-B para sa susunod na taon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflicts (NTF-ELCAC’s).
Sinabi ni Sotto na maging ang Department of Budget and Management (DBM) ay hindi papayagang maidagdag ang nasabing budget ng NTF-ELCAC’s bilang calamity fund.
Payag naman aniya silang dagdagan ang calamity fund subalit hindi dapat kunin ang anti insurgency fund at mayroong ibang maaaring paghugutan ng dagdag pondo para sa kalamidad.
Binigyang diin ni Sotto na krusyal ang nasabing pondo sa anti-insurgency campaign ng gobyerno partikular sa community development projects sa mga lugar na una nang nakontrol ng New People’s Army, kayat hindi ito aniya dapat galawin.