Labag sa karapatang pantao ang panukala ng PAGCOR na ilagay sa isang lugar ang mga Chinese na nagta trabaho sa POGO o Philippine Offshore Gaming Operations.
Ito ay ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo ay kung pipigilan ang movement o kalayaan sa paggalaw ng mga nasabing Chinese POGO workers.
Sinabi ni Panelo na hindi sapat na basehan ang rudeness o magaspang na pag uugali ng Chinese nationals para i contain sa isang lugar.
Mayroon aniyang umiiral na batas sa bansa na nakasaad sa Revised Penal Code para parusahan ang sinumang lalabag dito.
Inihayag ni Panelo na naghihintay pa sila ng opisyal ng komunikasyon mula sa PAGCOR.
Kasabay nito, hinimok ng Palasyo ang mga Chinese na nakakaranas ng pang aabuso sa kanilang employers sa bansa na magsampa ng reklamo dahil hindi anito hahayaang maabuso ang sinuman sa Pilipinas, Pilipino o dayuhan man.