Suportado ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Senate Bill no. 1100 na iniakda ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na naglalayong ilipat ang kontrol ng mga provincial at sub-provincial jails sa Bureau of Jail Management and Penology o BJMP.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, hindi lamang napapanahon ang hakbang na ito, bagkus talagang kinakailangan na aniya itong ipatupad.
Pahayag ni Año, kapag naisabatas na ang Senate Bill no.1100, makasisiguro aniyang magkakaroon na ng mas maayos na pamamahala ang lahat ng bilangguan sa bansa sa ilalim ng pamumun ng mga trained na BJMP personnel.
Sa kasalukuyan, 13 sa 74 na mga provincial jails ay nasa pangangasiwa ng BJMP sa bisa ng memorandum of agreement sa pagitan ng LGUs at mga provincial governments.