Hindi praktikal ang panukalang ilipat ang oras ng trabaho ng mga empleyado sa pribadong sektor para maiwasan ang matinding trapiko sa Metro Manila.
Binigyang diin ni Sergio Ortiz Luis Jr., Chairman ng Philippine Chamber of Commerce and Industry na malabong mapalitan ang oras ng pasok sa pribadong sektor dahil may mga transaksyon ang mga ito sa government offices sa parehong oras.
Sa halip, sinabi ni Luis na mas mabuting bilisan na lamang ng gobyerno ang pagtapos sa mga proyekto sa kalsada.
By Judith Larino