Pag-aaksaya lamang ng panahon ang naging mungkahi ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano na ipasiyasat sa Kamara ang mga term loan o mga utang ng Pilipinas sa China.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi na kailangan ng imbestigasyon hinggil dito dahil sa umiiral na FOI o Freedom Of Information sa sangay ng ehekutibo.
Sa halip na magkasa ng imbestigasyon, pinayuhan na lamang ni Roque si Alejano na dumulog sa tanggapan ng PCOO o Presidential Communications Office para humingi ng kopya ng kaniyang mga hinihingi.
Pagsasayang lamang ayon kay Roque sa resources ng mababang kapulungan kung pagbibigyan ang inihaing resolusyon ni Alejano na busisiin sa isang pagdinig ang mga pagkakautang ng Pilipinas sa nasabing bansa.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jopel Pelenio
Posted by: Robert Eugenio