Ibinasura ng Commission on Elections o COMELEC ang panukalang internet voting.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, bagama’t mas madali ang prosesong ito ay mas lantad naman ito sa hacking.
Sa halip, hinimok ni Bautista ang mga kandidato na ilatag ang kanilang mga plataporma upang ito ang maging basehan ng mga Pinoy sa ibayong dagat sa kanilang pagboto.
Sa mahigit 8 milyong Filipino overseas voters, sinasabing 1.3 milyon lamang ang nakapagparehistro.
By Jelbert Perdez