Isinusulong ni Senador Manny Pacquiao ang panukalang batas para ipagbawal na ang pagdura at pagsinga sa mga pampublikong lugar.
Ito’y sa gitna ng pagkalat ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Sa ilalim ng senate bill 1406 o ang panukalang Anti-Spitting Act of 2020, papatawan ng multa na P5,000 hanggang P50,000 ang mahuhuling dudura o sisinga sa mga pampublikong lugar.
P5,000 para sa unang paglabag, P10,000 para sa ikalawang paglabag, habang P50,000 na multa at pagdalo sa isang Department of Health (DOH) seminar o anim na buwang pagkakakulong ang ipapataw para sa ikatlong paglabag.
Ayon kay Pacquiao, sa panahon ngayon ay kailangan na ng mahigpit na pagpapatupad ng batas na makakatulong para maiwasan na ang pagkalat ng sakit.