Lusot na kapwa sa Kamara at Senado ang panukalang ipagpaliban ang barangay at sangguniang kabataan elections.
Aprubado na sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang panukala kung saan itinakdang idaos ang brgy at SK elections sa May 2023 sa halip na May 2020.
Samantala, lusot na sa ikalawang pagdinig sa Senado ang panukalang pagpapaliban sa brgy at SK elections kung saan sa December 5, 2022 sa halip na sa May 2020.
Nakasaad din sa panukala na dapat idaos ang brgy at SK elections kada tatlong taon.