Pasado na sa Senado sa huli’t ikatlong pagbasa ang panukalang nagsasaayos sa National Economic Development Authority Bilang Department of Economy, Planning and Development.
Sa botong 18-0 at walang abstention, inaprubahan ang Senate Bill 2848 o ang Department of Economy, Planning and Development (DEPDev).
Alinsunod sa panukala, ang DEPDev ang magiging pangunahing policy planning, coordinating at monitoring arm ng executive branch ng pamahalaan sa national economy.
Kabilang sa pangunahin nitong mandato ang paglikha, pagpapatuloy, paglalatag at pagsasagawa ng mga plano at programa para national development ng bansa na pagdedesisyunan ng Economy and Development Council.
Pinatitiyak din sa kagawaran ang pagkakahanay ng national at sub-national policies, plans, at programs patungo sa pinakamahusay na paggamit ng financial at economic resources, at pangangasiwaan ang public investment program ng bansa.
Inisponsoran ang panukala ni Senador Juan Miguel “Migz” Zubiri, Chairperson ng senate Committee on Economic Affairs.