Pinaplano ngayon ng Department of National Defense (DND) na maghain ng panukala na magsusulong na bigyan ng first level civil service eligibility, ang mga nagtapos ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program para sa senior high school students.
Ayon kay DND Spokesperson Director Arsenio Andolong, humiling na sila ng datos mula sa Department of Justice, Department of Education, at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), para sa posibleng pagbuhay sa mandatory ROTC sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Layunin nitong makapagtrabaho pa rin sa gobyerno ang mga ROTC graduates, kahit hindi nakapagtapos sa kolehiyo.
Maliban sa panukala, hihilingin din ng DND na huwag isentro sa militarisasyon ang ROTC program at sa halip ay gumawa ng mga aktibidad na sosolusyon sa climate change at pag-uusapan ang kasaysayan.
Sa State of the Nation Adress (SONA) noon ni PBBM matatandaang unang sinabi ng pangulo na isusulong niya ang mandatory ROTC na pinangalanan pa nitong isa sa prayoridad ng kaniyang administrasyon.