Ibinasura ng National Food Authority o NFA Council sa ikatlong pagkakataon ngayong taon ang panukalang itaas ang buying price ng ahensya para sa palay.
Taliwas ito sa panawagan ng mga mambabatas na bumili ng mas maraming palay ang NFA mula sa local farmer sa mataas na presyo upang maibsan ang epekto ng sinasabing rice crisis at inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Bagaman 22 pesos at 44 centavos na ang kada kilo ng farm gate price ng palay, nananatili sa 17 pesos ang buying price ng nfa para sa palay sa nakalipas na sampung taon dahil sa manipis na supply.
Inirekomenda ng NFA ang 5 pesos na dagdag presyo noong Enero at Marso at increase na 8 pesos ngayong Setyembre para sa kada kilo ng palay subalit ibinasura ito ng konseho sa halip ay nag-angat ng 250,000 metric tons ng bigas.