Lusot na sa House Committee on Population and Family Relations ang panukalang itaas ang pensyon para sa mga Senior Citizens.
Sa ilalim ng Expanded Senior Citizens Social Pension Act, magiging P. 1,000 na ang buwanang pensyon ng mga senior mula sa kasalukuyang 500 Piso.
Ayon kay Laguna Rep. Sol Aragones, Chairman ng nasabing komite, otomatikong makakatanggap ang mga nakatatanda ng mas mataas na pensyon kung wala itong pinagka-ka-kitaan.
Kwalipikado rin ang mga Senior Citizen na tumatanggap lamang ng hanggang 3,500 Piso na pensyon mula sa Social Security System (SSS) o iba pang social protection system.
Samantala, aprubado na rin ng Komite ang Anti-Elderly Abuse Act na nagpapataw ng mabigat na parusa sa gagawa ng anumang pag-abuso sa nakatatanda.
Sa oras na mapatunayan na nagkasala, bukod sa kulong ay multa rin itong 1,000 hanggang 300,000 Piso.
Nakatakdang isalang sa plenaryo para sa ikalawang pagbasa ang mga nabanggit na panukala.
RPE