Isinusulong ng ilang mambabatas sa Kamara na itaas sa 750 pesos ang minimum wage ng mga manggagawa.
Ayon sa Makabayan Bloc, layon ng panukala na maibsan ang epekto ng tumataas na presyo ng mga bilihin bunsod ng dagdag sa presyo ng mga langis at epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
PANOORIN:
Panukalang P750 national minimum wage increase, inihain ng Makabayan Bloc sa Kongreso; kasama rin sa mga naghain si Kilusang Mayo Uno Chairman Elmer Labog. | via @JILLRESONTOC pic.twitter.com/sB9Fz78zIs— DWIZ Newscenter (@dwiz882) May 28, 2018
Makabayan bloc solons ask Duterte to certify as urgent the P750 National wage increase bill @dwiz882 pic.twitter.com/Vr6i3DDwZh
— Jill Resontoc – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) May 28, 2018
Una rito, naghain din ng panukalang batas si Senador Bam Aquino ukol sa pagbawi ng nakapataw na excise tax sa langis kasunod ng ilang linggong big time oil price hike.
Una nang sinabi ng Department of Finance o DOF na sususpindehin lamang ito kung aabot sa 80 dollars ang kada isang barrel ng krudo sa world market.
Ipinaliwanag na na sinasabi sa TRAIN Law na hindi puwedeng tapyasan o bawasan ang kasalukuyang sinisingil na excise tax.
Sa ilalim ng TRAIN Law, ang dagdag na excise tax sa petrolyo ay ipatutupad sa loob ng tatlong taon.
(Ulat ni Jill Resontoc)