Inaprubahan na sa ikalawa at ikatlong pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na naglalayong amyendahan ang batas kasambahay, upang matiyak na walang anumang criminal record ang mga kasambahay sa Pilipinas.
Sa House Bill Number 4477, inatasan ang mga private employment agency na siguraduhing malinis ang record ng mga kasambahay na ilalagay sa isang employer.
Nakasaad din na dapat na may sapat na impormasyon sa tirahan at background ng pamilya ng kasambahay, na suportado ng Birth Certificate at Clearance mula sa National Bureau of Investigation, Philippine National Police at Barangay.
Sa oras maisabatas, kapag napatunayang hindi sumunod dito ay kasama rin sa parurusahan ang mga employment agency.